
Inamin ni Derrick Monasterio na niligawan niya ang kanyang Almost A Love Story leading lady na si Barbie Forteza, not once but twice! Bakit kaya siya hindi sinagot ni Barbie dati? Paliwanag ng aktres, "Siguro, we were mature enough to realize na mas matagal kaming magkakasama kung friends kami."
Nagkasama ang dalawa sa taping nila sa Italy para sa kanilang bagong pelikula na ipapalabas na ngayong April 11, at dahil dito may mga na-realize ang dalawa sa isa't isa.
Kuwento ni Derrick, "Nagkaroon ako ng hint kung paano siya as a girlfriend, nakita ko 'yun sa kanya. Na parang, 'Ah okay ito pala 'yun, this is the woman that I never had.'"
Magkakasama muli ang dalawa sa upcoming GMA romcom na Inday Will Always Love You.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News