
Sa March 4 episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), sinagip ni Lucas si Maxine mula sa kamatayan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nitong kotse.
Sinira ni Lucas ang manibela para lumitaw ang airbag na nagprotekta sa kanila mula sa impact ng pagkakahulog ng kotse.
Nawalan ng malay si Maxine pagkatapos ng kalunos-lunos na pangyayari kaya binigyan siya ni Lucas ng mouth-to-mouth resuscitation para magising ang dalaga.
Panoorin ang kapana-panabik na eksenang 'yan dito: