
Meet Thomas Raymond Mueller, ang Pinoy-German na determinadong abutin ang pangarap sa showbiz.
Ang StarStruck hopeful na si Thomas ay ilang beses nang naging parte ng commercials para sa fast food, medicine, telecom, at biscuits.
Naging parte na rin siya ng ilang theater plays ngunit patuloy pa rin niyang sinisikap na tuparin ang pangarap na mag-artista kaya sumali siya sa StarStruck season 7.
Aniya, "Masipag talaga ako mag-attend ng mga VTR. Minsan nga binibilang ko na nga mga VTR ko eh, nakaano na ako, mga one hundred twelve."
Dahil ilang VTRs na ang kanyang pinuntahan, hindi na rin umano bago sa kanya ang rejections.
Ngunit hindi ito ang magpapasuko sa kanyang pag-abot ng pangarap.
Sabi niya, "'Yung pag-deny nila sa'yo it's hard at first. then you get used to it. And then you just keep on grinding, 'cause you know you want something."
Hiling pa ni Thomas ay sana makapasok siya sa reality-based artista search.
Aniya, "I'm half German and I'm half Pinoy. Pero sana sa StarStruck hindi lang half, sana buo akong tanggapin."
Panoorin ang StarStruck story ni Thomas: