
Isang taon ding nawala sa showbiz ang aktor na si Diether Ocampo, pero naging makabuluhan naman daw ang kanyang pagpapahinga sa pag-arte. Nagdesisyon kasi siyang mag-aral ng TV at film production habang namamalagi sa Amerika.
Ayon sa report ni Lhar Santiago ng 24 Oras, pinili raw ni Diet na maging abala sa mga proyekto ng Kapuso network. Isa na rito ang Fathers' Day special ng Magpakailanman na mapapanood ngayong gabi, June 17.
IN PHOTOS: Si Diether Ocampo sa kanyang unang pagganap sa 'Magpakailanman'
"I'm very glad that the timing is very impeccable. I guess may magandang dahilan din dahil Fathers' Day episode pa ang napunta sa akin, so very symbolic," pahayag niya.
Aniya, handang handa na siya na muling sumabak sa trabaho.
"Ready na ready na ako. Sana makatrabaho ko rin ang hindi ko pa nakakasama, at karamihan ay nandito sa Kapuso."
Narito ang buong report:
Video courtesy of GMA News