
Mas determinado raw si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na magtrabaho dahil sa kaniyang lumalaking pamilya.
Isa sa pinaghahandaan niya ngayon ang Philippine adaptation ng K-Drama series na Descendants of the Sun kung saan siya ay nagte-train kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino, .
WATCH: Cast ng Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun,' sumabak na sa military training
Habang busy si Dingdong, hands-on naman ang kaniyang misis na si Marian Rivera sa pagpapalaki ng kanilang dalawang anak na si Zia at Baby Ziggy.
Pag-amin ng Kapuso actor, hindi niya maiwasang makaranas ng separation anxiety tuwing nalalayo siya sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang recent out of the country trips.
“Buti na lang ngayon may mga FaceTime na, 'di ba? Kasi kung wala talagang masisira ang ulo ko.
“Imagine nung pumunta ako ng Canada at saka America, 10 days ako wala sa bahay.
“So parang first time kong lumayo sa bahay nang mag-isa for that long na hindi ko sila kasama.”
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
WATCH: Dingdong Dantes, nakisaya sa Pista ng Bayan 2019 sa Vancouver, Canada
WATCH: Dingdong Dantes feels at home in Toronto, Canada