
Isang araw bago ang National Heroes Day, nagbigay-pugay ang leading men ng Descendants of the Sun na sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino sa mga sundalong sugatan noong Linggo, August 25.
Binisita ng dalawa ang Army General Hospital sa Taguig, kung saan nakilala nila ang ilang mga kawal na sumabak sa Marawi seige at iba pang conflict-striken areas na nagkaroon ng engkwentro laban sa mga terorista.
Nasaksihan rin ng Kapuso actors ang pagbibigay parangal at pagtaas ng ranggo sa mga sundalo.
Ani Dingdong, honored siyang makilala ang ilan sa mga magigiting na sundalo ng bansa.
“Isang way ito ng pagbibigay-pugay at, siyempre, pagpapasalamat sa lahat ng sakripisyong binibigay nila para sa ating bansa.”
Dagdag pa ni Rocco kay 24 Oras reporter Nelson Canlas, mas lalo raw siyang humanga sa mga ito.
Aniya, “Nakakakilabot nga, e, sa totoo lang kapag nagkukuwento sila about their injuries and kung paano nila sinustain 'yung injuries nila.
“Pero nakakatuwa na makita 'yung hope nila.”
Saludo raw ang dalawa sa ibinigay na sakripisyo ng mga naturang sundalo para sa kapayapaan ng bansa.
Sabi pa nila, mas lalo raw silang naging inspired para gampanan ang kanilang mga karakter sa darating na serye.
Sa Pinoy version ng hit K-drama na Descendant of the Sun, gaganap si Dingdong bilang si Capt. Lucas Manalo a.k.a. “Big Boss,” habang si Rocco naman bilang si Sgt. Diego Ramos.
Abangan yan dito lang sa GMA!
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
Rocco Nacino, Dingdong Dantes spent some time with real heroes at the Army Hospital