Very hands on ang celebrity dad at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes pagdating sa pagpapalaki ng kaniyang baby daughter na si Maria Letizia.
Sa panayam kay Dingdong ni Nelson Canlas para sa 24Oras, binigyan diin nito na dapat balanse lang ang oras niya para sa pamilya at showbiz commitments.
Paliwanag ng Kapuso Primetime King, “Kailangan balanse lang lahat 'di ba, hindi puwedeng trabaho. Wala ka dapat ma-miss out 'pag ganung klase mga moments or chapter dahil napakabilis. Kung tutuusin totoo ‘yung sinasabi nila napakabilis lumaki 'di ba ng mga bata.”
Nagbiday din ng detalye si Dong sa episode na mapapanood ng mga televiewers sa docu-drama niya na Case Solved sa darating na Sabado, March 11.
MORE ON DINGDONG DANTES:
Dingdong Dantes, inaalay ang Anak TV award para kay Baby Zia
LOOK: Marian Rivera and Maria Letizia's cute baby photos