
Kilala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa iba't ibang karakter na humubog ng kanyang talento bilang artista. Mapa-drama man o aksyon, ipinakita ni Dingdong ang kalibre ng kanyang talento sa small screen.
Kaya ngayon, hindi sorpresa na mapili siya na bumida sa Filipino adaptation ng Korean movie na pinamagatang “A Hard Day.”
Kuwento niya, isa raw itong “Action, suspense, comedy. Tapos may pagka-dark comedy, kaya medyo exciting.”
Pero bago pa man mag-shooting si Dingdong, hihintayin daw muna niyang manganak ang kanyang misis na si Marian Rivera lalo na't nalalapit na ang pagdating ng kanilang ikalawang anak at baby brother ni Zia.
READ: Dingdong Dantes confirms Marian Rivera is going to give birth soon
Panoorin ang ulat ni Lhar Santiago:
IN PHOTOS: Dingdong Dantes signs a new endorsement deal