Celebrity Life

WATCH: Dingdong Dantes, may mensahe sa kanyang baby boy

By Michelle Caligan
Published December 27, 2018 5:09 PM PHT
Updated December 27, 2018 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagdating ng pangalawang anak nila ni Marian Rivera.

Excited na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagdating ng pangalawang anak nila ni Marian Rivera.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

MUST-WATCH: Gender of Dingdong Dantes and Marian Rivera's second child is what Zia Dantes prayed for

Sa Instagram post ng The Dongyanatics, ibinahagi ng Cain at Abel star ang kanyang message para sa kanilang baby boy.

Aniya, "Hindi ko pa alam kung ano ang ipapangalan ko sa 'yo. Mas relax ka lang, dahil masaya ang mundong papasukan mo at parati mong iisipin na maganda ang buhay. Dahil kung 'yun ang unang mindset mo ay mas gaganda ang pananaw mo at pakikitungo mo sa kapwa."

#DingdongDantes gives a message to his forthcoming baby boy @_magandangbuhay

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Nagbigay rin siya ng mensahe para kina Marian at Zia.

"Lalo na ngayon na siya ay nagdadalantao, mas nakikita ko kung ano ang kanyang purpose sa buhay. Siguro naging vehicle or entry point niya ang pagiging artista para makilala ako, tapos kinasal kami. Pero ang pinakagusto talaga niyang mangyari ay magkaroon ng pamilya, magkaroon ng mga anak. 'Yung role niya bilang isang nanay ay talagang ginagampanan niya ng sobra-sobra. Hanga ako sa ganyang dedication niya. Susuportahan kita sa hirap o ginhawa, and I love you always," saad ni Dong patungkol sa kanyang asawa.

#DingdongDantes' messages to Marian and Zia ❤️💗😭 @_magandangbuhay

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Short and sweet naman ang message niya para sa kanyang panganay.

"Huwag masyadong makulit, relax lang. Paparating na ang kalaro mo."