GMA Logo
What's Hot

WATCH: Dingdong Dantes nag-a la Santa Claus sa fun run

By Dianara Alegre
Published December 9, 2019 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Good vibes ang hatid ni Dingdong Dantes sa ginanap na Santa run.

Sa layong makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng Bagyong Tisoy, nag-a la Santa Claus si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Santa run, isang fun run na ginanap sa Aseana City sa Parañaque, kahapon, Disyembre 8.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Nakadamit na pang-Santa Claus ang daan-daang lumahok sa fun run na simbolo raw ng pagbibigayan tuwing ipagdiriwang ang Kapaskuhan.

Bukod pa rito, nakadagdag aliw din sa event ang pagtugtog ng musiko ng mga Christmas carols.

Samantala, ibinahagi ni Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) lead star mas naramdaman niya ang diwa ng Pasko dahil dito.

“Nakakatuwa kasi talagang Paskong-Pasko. Ang dami ng runners na nakapula pero more to it, makabuluhan ang pag-participate nila,” pahayag ng Amazing Earth host.

Ido-donate ang nalikom na pondo sa mga nasalanta ng Bagyong Tisoy sa Monreal, Masbate.

Panoorin ang ulat ng 24 Oras dito:

Marian Rivera and Dingdong Dantes receive Anak TV awards

LOOK: Dingdong Dantes shares fresh haircut for DOTS PH