
Noong Valentine's Day, ginawang delivery man ni Marian Rivera ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes para ipadala ang orders ng kanyang customers.
Si Marian ang may-ari at personal na naghahanda ng order ng kanyang mga customer sa Flora Vida, isang online flower shop.
"I asked Marian what she wanted for Valentine's day and all she asked was for me to help deliver some of her flowers to her customers," nakalagay sa description ng kanilang YouTube video.
"So that's what I did! Check out the reactions of the recipients - Mommy Dhea and William!"
Panoorin kung papaano sinurpresa ni Dingdong ang mga customer ni Marian sa Valentine Special ng kanilang vlog sa ibaba: