
Mabigat ang tema ng pagbibidahan ni Marian Rivera na first anniversary special ng Saturday afternoon anthology na Tadhana na idinirek ni Dingdong Dantes. Pero naging magaan daw ang trabaho para sa mag-asawa.
Ayon kay Dingdong, “Okay naman, maaga siyang dumating tapos very pleasant pagbaba ng sasakyan.”
Gabi pa lang daw bago ang taping, pinag-usapan na ng mag-asawa ang mga gagawin sa taping. “Ngayon ko na-realize na malaking bagay kapag kilala mo talaga ‘yung artista mo kasi alam mo ‘yung kaniyang capability.”
Kuwento ni Marian, “Kapag meron siyang gustong makita sa eksena, very vocal naman siya na ito ang kailangan gawin, ito ang sitwasyon.”
Dagdag ni Dingdong, “Minsan, tinginan lang alam na naming ‘yung gusto namin makuha.”
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: