
Ipinagmamalaki ni Kapuso Primetime King and StarStruck host Dingdong Dantes ang kanyang misis na si Marian Rivera dahil sa advocacy nito na breastfeeding at pagdo-donate ng kaniyang sobrang breastmilk para sa mga sanggol na nangangailangan nito.
Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Dingdong ang kanyang mag-ina na hawak-hawak ang mga pakete ng excess “liquid gold” o breastmilk ni Marian at ang listahan kung gaano karami ang napo-produce niya araw-araw.
Sulat ni Dingdong, “There are many things I admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breastfeeding.
“Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, I know that producing that precious milk is not easy.
“And because she is blessed with this, I salute her for choosing to donate her excess expressed milk to those who need it the most.”
MUST-READ: Marian Rivera willing to make sacrifices to exclusively breastfeed son
Sa ngayon, marami-rami na raw ang natulungan ng aktres tulad na lamang ng three-week old premature baby na si Mati, na nangangailangan ng breastmilk para lumaking malusog at matibay ang kaniyang pangangatawan.
Sa interview ni 24 Oras reporter Nelson Canlas, ibinahagi ni Dingdong ang paghanga niya sa social media upang mabigyang pansin ang mga importanteng advocacies tulad na lamang ng breastfeeding.
Aniya, “Ang laking bagay ng social media kasi nagkakaroon ng network ng mga mothers who inspire each other para magkaroon ng ganitong klaseng 'production.'
“Pero ang pino-produce nila ay 'ginto,' ika nga.”
Panoorin ang buong ulat sa chika ni Nelson Canlas:
LOOK: Beautiful breastfeeding celebrity moms
READ: LJ Reyes laments insufficient breastfeeding facilities in PH