
Abala ngayon si Direk Mark, Heart Evangelista, and Iya Villania sa filming na kanilang bagong serye na My Korean Jagiya sa Seoul, South Korea.
Kahit busy ang team ng My Korean Jagiya, nagawa pa rin ni Direk Mark na magbigay ng exclusive tour ng kanilang set.
Ayon sa direktor, "Andito tayo sa MBC back lot dito sa Korea at nakikita n'yo ang studio back lot kung saan ginagawa ang mga historical dramas at documentaries."
Proud na proud naman si Direk Mark sa panibagong milestone ng Kapuso Network.
"First time na nakapag-shoot ng actual drama sequences ang GMA dito so we're very proud of that. You can catch all of this sa My Korean Jagiya na malapit nang ipalabas starring Heart Evangelista and a special Korean actor.
Alam n'yo ba na ang MBC back lot na ito ay naging set rin ng isang sikat na historical South Korean drama series? Panoorin ang video below upang malaman kung ano ang show na ito.
Tingnan rin ang ibang photos mula sa kanilang shoot: