
Marami ang apektado sa mga maiinit na eksena ng top daytime drama na Ika-6 Na Utos. Kaya naman ang cast and crew nito, idinaan na lang sa katuwaan ang pagsagot sa mga bashers nito.
Sa video na ito, tila binubugbog ni Ryza Cenon ang kanilang second unit direktor na si Lore Reyes dahil galit na galit daw ang mga bashers dito.
Hindi nagpatinag at ginantihan din ng direktor si Ryza na gumaganap sa karakter ni Georgia.
Puro awayan at sakitan man ang mga eksena sa serye, pamilya naman ang turing nila sa isa't isa sa tunay na buhay.