
Kung nase-stress kayo sa mga biglaang party o get together ng pamilya o barkada, may hatid na recipes sina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos.
Nitong Linggo, April 2, dishes na patok sa mga resourceful at creative sa pagluluto ang handa nila sa Idol sa Kusina kasama si Kristoffer Martin.
Ang kanilang inihanda ay ang Ham and Cheese Spread, Tomato Bruschetta, Salmon Sandwich, Tuyo Pesto Pasta, Aglio Olio, at Salmon and Chicken with Cream Sauce.
Ang dessert department naman ay may traditional English treat na Eton Mess na ginagamitan ng three ingredients: meringue, strawberries, and whipped cream.
Next Sunday, samahan muli sina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa paghahanda ng yummy dishes sa Idol sa Kusina.
MORE ON IDOL SA KUSINA:
WATCH: Dennis Trillo, bumida sa paghahanda ng pangbarkada dishes sa 'Idol sa Kusina'
WATCH: Spicy gata dishes by Chef Boy Logro and Bettinna Carlos