
Big break kung ituring ng Wowowin duo na sina Donita Nose at Super Tekla ang kanilang unang pagtatambal sa pag-arte sa Dear Uge.
Ang tambalang DonEkla ang tampok sa kuwentuwaang ‘Babae Po Akez,’ ang episode ng nag-iisang comedy anthology sa bansa sa darating na Linggo, March 26.
READ: Wowowin duo na DonEkla, bibida sa Dear Uge
Ani Donita Nose,“First time namin magkasama ni Tekla sa ganitong show. Hindi naming usually ginagawa ‘to, tsaka ngayon lang naming na[tuklasan] sa bawat isa na pwede pala kaming umarte ng magkasama.”
“Parang isang pinakamalaking break sa amin ‘to eh, sa career namin, aside doon sa pagpapatawa lang [sa Wowowin],” dugtong naman ni Super Tekla.
At habang inaabangan ang kanilang episode, panoorin muna ang ilang kuha behind-the-scenes at bloopers dito:
MORE ON DEAR UGE:
IN PHOTOS: Wowowin duo na DonEkla, bibida sa Dear Uge
WATCH: Dear Uge, pagalingan sa "Mannequin Challenge"