
Patuloy ang pagbagsak ng maaanghang na salita at nakakalokang sagutan sa Celebrity Bluff!
Nitong Sabado, October 14, nagkaroon ulit ng isang rap battle kung saan nagkampihan sina Donita Nose, Super Tekla at Boobsie laban kina Tipsy D at Shehyee. Sa nasabing salpukan, may mga binitawang patama sa isa't isa kaya't tila naging personalan ang sagutan ng dalawang grupo.
Noong Setyembre nagsimula ang rap battles sa all-original Kapuso comedy game show. Nakatapat na ng bluffers ang Fliptop artists na sina Abra, Loonie, Sinio at Dello.
WATCH: Boobay at Super Tekla versus Fliptop battle superstars sa 'Celebrity Bluff'