What's on TV

WATCH: DonEkla, nag-reunion sa 'TBATS' | Ep. 47

By Cherry Sun
Published January 14, 2020 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Naipon ang mahahalagang tao sa buhay ni Tekla upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa 'The Boobay and Tekla Show' nitong Linggo, January 12.

Naipon ang mahahalagang tao sa buhay ni Tekla sa January 12 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) upang i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Sinorpresa ni Donita Nose ang kanyang kaibigan at dating Wowowin co-host sa TBATS. Hindi rin nakaiwas sa isyu si Donita Nose sa pagsalang niya sa isang lie detector test sa 'Truth or Charot. Sinagot ng komedyante kung sino ang mas magaling sa kanila ni Tekla, kung naiinggit siyang may sariling programa ang kanyang kaibigan, at kung sino ang sasagipin niya sa pagitan nina Tekla at Willie Revillame. Alamin din ang naging mensahe ng tambalang DonEkla sa isa't isa.


Muling bumistia rin ang manliligaw ni Tekla mula sa Azerbaijan na si Marsin. May bitbit na bulaklak, ipinahayag ni Marsin ang kanyang paghanga sa ating birthday celebrator. Maliban dito, dala rin niya ang kanyang mga magulang upang makilala na si Tekla. Anang binata, nagustuhan ng kanyang ina at ama ang komedyante at iniimbitahang sumama na sa kanila sa Azerbaijan.


Hindi pa natapos doon ang sorpresa dahil isang video message ang ipinadala ng Tatay ni Tekla na si Ireneo Librada. Ang komedyante, hindi rin napigilang maiyak.


Samantala, napanood naman si Lovely Abella sa 'Pranking in Tandem' segment kung saan namagitan siya sa isang kakanin vendor at isang kasabwat. Magkaayos kaya ang dalawa matapos magpalitan ng okrayan?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!