What's Hot

WATCH: DongYan, inalala ang wedding proposal sa Macau

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 8:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Some Mayon evacuees getting sick as centers fill up amid volcanic unrest
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News



Ang cute tuksuhin ni Marian si Dingdong.


 

 

Saturdate ???????????? #DongYan

A photo posted by Team Dantes (@thedongyanatics) on


Maagang nagpakilig sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanilang Facebook Live kung saan inalala nila ang kanilang unang wedding proposal sa Macau noong 2012.

Nakakatuwa ang kanilang live video kanina dahil bawat tanong na nasa fishbowl ay may katumbas na sagot hango sa kanilang bagong endorsement.

WATCH: DongYan, featured in the latest commercial of global fast food chain 

Ang nakuhang tanong ng aktor ay “Saan nag-propose si Dingdong?” Binalikan ito ng aktres ng “Saan?”na sinagot naman ni Dong ng “E di sa mac-mac-Macau.”

Abot langit ang ngiti ng Kapuso Primetime Queen nang maalala ang unang pagkakataon na hiningi ng kanyang asawa ang kanyang kamay. “Kinilig ako ha! Naalala ko ‘yun ha. Paano nga ba ‘yung sinabi mo? Paano nga ba ‘yun?”

READ: Dingdong thinks his first proposal to Marian was an epic fail 

Hindi nakasagot si Dingdong at hinayaan na lamang ang tanong ng kanyang misis. Sambit ni Marian, “Eh bakit nagba-blush ka naman? Naasar ka naman.”

Lalo pang tinukso ito ng aktres sa pamamagitan ng pagbigkas ng ilang kataga mula sa proposal noon ni Dong, “I’m here standing…”

Panoorin ang buong video: