
Ngayong finale week na ng GMA afternoon prime na Dragon Lady, kani-kaniyang revelation ang cast kung ano ang pinakamami-miss nila sa show.
Nag-upload ng isang video sa Instagram ang former Sexbomb Girls leader and Kapuso actress na si Aira Bermudez, na gumaganap bilang Calista sa Dragon Lady, tungkol sa mami-miss nila ng cast sa show.
Ani ni Aira, “Napakarami kong mami-miss sa Dragon Lady!
“I'm so blessed to be part of this show! Napakasayang family...awwww! I will miss everyone and my role as Calista.
Sa video ni Aira, mapapanood na isa-isang ikinuwento ng cast ang mga mami-miss nila sa teleserye.
Para sa lead actress na si Janine Gutierrez, naging matibay ang bonding nilang ng co-star na si Joyce Ching kahit na magkalaban sila onscreen.
“Ang mami-miss ko sa Dragon Lady--si Joyce Ching talaga.
“Sobrang suwerte ko talaga na katrabaho ko si Joyce Ching.
“I learned so much from her, and just the fact na tabi kaming matulog.”
Ganito rin ang pakiramdan ni Joyce, na tuwang tuwa sa thoughtfulness ni Janine, “Si Ms. Janine Gutierrez, mami-miss ko ang pagbibigay niya sa amin ng butong pakwan, at 'yung pagsu-supply niya sa amin ng coloring materials.”
Si Edgar Allan Guzman, mami-miss ang unang drama family niya sa GMA.
May sweet message pa siya about the cast: “Yung bonding namin kahit minsan lang kaming mag-bonding, lagi kaming nagki-keep in touch.”
Para naman kay Diana Zubiri, naging kaibigan na rin niya ang kanyang co-actors kaya mami-miss niya ang mga ito.
“Siyempre, 'yung cast naging kaibigan ko na rin sila, mami-miss ko 'yung mga kulitan namin at 'yung sama-sama naming pagkain.
Kuwento naman ni DJ Durano, maalaga raw ang Dragon Lady crew sa buong cast, “'Yung buong grupo, from the staff, the production, sa cast, sobrang napakabait nilang maalaga sila sa artista.
Kahit kalagitnaan na ng show sumali si Candy Pangilinan, naging masaya para sa kaniya ang Dragon Lady taping, 'Yung habit na nagti-taping, masaya sila.
Panoorin ang kanilang video: