
Maswerteng nakapanayam ni Unang Hirit host Lyn Ching ang kanyang idolo na si Hollywood star Drew Barrymore kahapon (March 12). Kasama ng American actress ang kanyang co-star na si Timothy Olyphant para i-promote ang kanilang pinagbibidahang Netflix show na Santa Clarita Diet Season 2 sa bansa.
Parte ng panayam ng GMA TV host kina Drew at Tim ang pagtuturo ng Tagalog. Alam niyo bang minsan nang nanirahan sa Pilipinas ang aktor?
“For just a blip there before I formed any sense of memory, sadly. When I was very young, my family lived here,” bunyag ng American actor.
Tinuruan ni Lyn ang dalawa ng salitang “salamat” ngunit ang nakakagulat ay pamilyar ang aktres sa mga pagkaing Pinoy.
Saad ni Drew, “Lumpia or adobo. It’s all food. I have many friends in America that are Filipino and so, they would make it for me.”
Natuwa si Lyn sa kanyang interview sa kanyang idolo ngunit lalo siyang nasiyahan noong nagustuhan ng American actress ang kanyang suot na hikaw, kaya naman ibinigay nya ito sa Hollywood actress.
Isunuot ni Drew sa kanyang premiere night kagabi (March 12) ang munting regalo ng ating Kapuso.