What's Hot

WATCH: EA Guzman, kumportableng magkaroon ng 'man crush'

By Marah Ruiz
Published March 14, 2019 2:05 PM PHT
Updated March 14, 2019 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay EA Guzman, walang malisya ang paghanga sa kapwa lalaki, “Normal lang sa akin 'yung humanga.”

Kumportable sa kaniyang pagkatao si Kapuso actor EA Guzman kaya wala daw problema sa kanya ang mga lalaking mahilig sa pag-aayos ng mukha at katawan o mahilig mag-selfie at mag-post ng shirtless pictures.

EA Guzman
EA Guzman

Bukod dito, kumportable daw siyang humanga sa kapwa niya lalaki.

"Normal lang sa akin 'yung humanga. Kasi ako, halimbawa, nakita ko sila Zac Efron. Nakikita ko siya [at] ang pogi ni Zac. e. Idol ko 'to. Bilang lalaki, [may] paghanga," pahayag niya.

Wala daw malisya para sa kanya ang pagkakaroon ng "man crush."

"Pero hindi 'yung gusto na pag sinabi mong pogi is meron nang malisya. Para sa akin, normal lang yung magkaroon ng man crush. Kasi ang babae nga may girl crush so kailangan may man crush din," dagdag pa niya.

Panoorin si EA at ang komedyanteng si Donita Nose sa feature na ito sa Tonight With Arnold Clavio: