
Sulit daw ang biniyahe nina Eat Bulaga Dabarkads Paolo Ballesteros at Ruby Rodriguez para sa EB Lenten Special na "Biyaheng Brokenhearted" na ipapalabas na sa Holy Tuesday, April 16.
Napawi ang kanilang pagod matapos makita ang magagandang tanawin sa Kalinga at La Union na isa raw magandang paraan para mag-move on.
Sinariwa ni Paolo ang kaniyang adventure sa Buscalan kung saan nasubukan niyang mag-hiking.
"Ang hirap nung hiking kasi makikitid lang 'yung daan at saka hindi naman talaga ako hiker. So kung i-re-rate n'yo between 1 to 10, baka mga 100, ganun kahirap," biro niya.
Proud naman si Ruby sa effort na ginawa ng EB team para sa espesyal na pagtatangahal para ipakita ang ganda ng Pilipinas.
"The travel pa lang, the scenery, talagang matutuwa sila kasi 'yun talaga ang makikita, na naghirap talaga ng todo todo 'yung mga tao rito. Ito 'yung wlaang tulugan."
At sa unang pagkakataon, matutunghayan ang Top Model na si Maureen Wroblewitz na aarte sa telebisyon.
Kuwento niya, "I read the lines over and over again kasi it's Tagalog and I'm not fluent so I had to say them again and again. Like I keep on asking people, 'is this how you say this, is this how you say that?' So, it comes across very natural."