
Isang kapanapanabik at kurot sa pusong serye ang maasahan sa upcoming soap na The Gift, na pagbibidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Sa naganap na media conference noong Lunes, September 9, ipinasilip sa mga imbitadong miyembro ng media ang ilang eksenang pupukaw sa damdamin ng mga manonood.
Pagkatapos ay ibinahagi ng cast ang kani-kanilang pananaw sa serye.
Anila, makaka-relate daw ang mga Kapuso habang hinihimay-himay ang mga relasyon sa istorya.
Isa na rito ang pagmamahal at pangungulila ng mga magulang at anak, biological man o adopted.
Ani Jean Garcia, “Napansin ko kay Direk LA [Madridejos], madetalyado siya.
“'Tapos, talagang sasabihin niya kung ano talaga 'yung character mo, ano 'yung pinanggalingan nitong eksena na ito, at ano ang kapupuntahan nitong eksena na ito.”
Dagdag pa ni Elizabeth Oropesa, “It really revolves around different kinds of family connections.”
Ginagampanan ni Jean ang karakter na Nadia, ang tunay na nanay ni Sep (Alden Richards) na mawawalan ng pananampalataya nang mawalay siya dito.
Habang si Elizabeth naman ay gaganap bilang si Lola Char, ang adoptive grandmother ni Sep.
IN PHOTOS: At the media conference of 'The Gift'
Kuwento pa ng cast, ang The Gift ay magtuturo raw ng iba't ibang aral lalung-lalo na ng pag-asa at pananampalataya sa oras ng kalungkutan at kadiliman.
Mapapanood ito simula Lunes, September 16, sa GMA Telebabad!
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas: