GMA Logo gong yoo and kim go-eun in goblin
What's Hot

WATCH: Ella, nakita ang espada sa dibdib ng Goblin | Goblin: The Lonely and Great God

Published October 3, 2022 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

gong yoo and kim go-eun in goblin


Nag-panic ang Goblin nang makita ni Ella ang espada sa kanyang dibdib dahil senyales ito na matatapos na ang kanyang pagiging imortal ngayong nakita na niya ang kanyang bride.

Sa nakaraang linggo ng Goblin: The Lonely and Great God, tila inseparable na ang Goblin at ang kanyang bride na si Ella.

Kapag nalalagay sa panganib si Ella, always to the rescue ang Goblin para sumaklolo rito.

Kahit na sinasabi ni Ella at ng Goblin na wala silang pakialam sa isa't isa, hinahanap-hanap pa rin nila ang isa't isa.

Kahit na maraming ginagawa ang Goblin, binisita nito si Ella para lang makita niya ito. Kailan kaya niya aaminin sa kanyang sarili na iba na ang kanyang nararamdaman para sa dalaga?

Samantala, sinabi na ni Ella sa Goblin na nakikita niya ang espadang nakatusok sa dibdib nito. Hindi alam ng Goblin ang kanyang gagawin dahil senyales ito na matatapos na ang kanyang pagiging imortal ngayong nakita na niya ang kanyang bride na nakatakdang makapagtatanggal ng espada. Matagal nang gusto ng Goblin na maglaho pero ngayong nakilala niya si Ella, gusto pa niyang manatili sa mundo.

Ang Goblin, pati na rin ang The Grim Reaper, ay nagsisimula nang magkaroon ng anxiety simula noong nakumpirma nilang si Ella ang bride ng Goblin.

Sa kabila nito, pipiliin pa rin ba ng Goblin na wakasan ang kanyang buhay? Subaybayan 'yan sa Goblin: The Lonely and Great God na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon bago ang Family Feud sa GMA.

NARITO ANG MAIN CAST NG K-DRAMA: