Si Kapuso star Phytos Ramirez ang tipo ng tao na kakausapin ka base sa inyong mutual understanding. Paano nga ba niya ito ginagawa?
“’Pag sa personality ko, dinadaan ko sa mga banat or chismis,” kuwento ng binata.
Agree sina Mars Camille Prats at Suzi Abrera, “Diyan natin kilala si Phytos!”
Meron namang times na hindi ito gumagana, “‘Pag hindi natuwa sa chismis, lipat tayo sa mga jokes [at] ‘pag hindi pa natuwa sa jokes, seryosong usapan na [tulad ng] heart-to-heart talk hanggang mahanap ko ‘yung kiliti.”
Kapag dedma talaga ay “Alis na tayo. (laughs) Hindi [ako] interesado kausap.”
Common interests naman ang conversation starter ni Kapuso star Andre Paras tulad ng fitness and health, “I like it when people eat healthy. From that, it can go to what’s your workout. That’s how you get to connect kaagad.”
Base naman sa obserbasyon g kapaligiran ang nagiging paksa ni Mars Camille, “Usually, you ask the person about something related to where you are kasi that’s something in common na in the first place.”
Naghahanap naman si Mars Suzi ng interesting topic, “Usually, dahil babae nga ako, papansinin [ko] talaga [is] fashion.”
Agree dito ang kanyang co-host dahil “light tapos compliment kaagad so parang ang ganda ng bunga.”
MORE ON 'MARS':
WATCH: ‘Mars’ Camille Prats at Suzi Abrera, nagpasiklaban sa mga ‘Marsie’ ng ‘Sunday PinaSaya’