
Primerang komedyante talaga ang Kapuso star na si Eugene Domingo. Nakakatuwa at nakakatawa ang kanyang mga Christmas advice sa fast questions portion ng panayam ni Unang Hirit host Lhar Santiago.
Primerang komedyante talaga ang Kapuso star na si Eugene Domingo. Katawa-tawa ang kanyang mga Christmas advice sa fast questions portion ng panayam ni Unang Hirit host Lhar Santiago.
Pinapili sa aktres na kung pagmamahal o pera ba ang kanyang gusto para sa Pasko at agad niya itong sinagot ng “50-50 po, 50% pagmamahal [at] 50% pera.”
Kamakailan lamang ay nagkuwento tungkol sa kanyang Italian boyfriend ang Dear Uge host sa report ng 24 Oras.
Sa kanyang pagbabalik sa big screen, may regalo naman ang award-winning actress sa inyo ngayong Pasko dahil kabilang ang kanyang movie comeback na Ang Babae sa Septic Tank 2 sa Metro Manila Film Festival 2016.
WATCH: ‘Ang Babae sa Septic Tank 2’ official Trailer
“Gusto kong ihatid sa mga manunuod ay ‘yung matutuwa sila at saka kikiligin sila kaya sabi ko maganda gawin ‘to kasi alam kong magugustuhan ‘to ng mga tao,” aniya sa panayam.
Nagpapasalamat rin ang aktres sa mataas na ratings ng kanyang weekly afternoon comedy-anthology show, “Thank you, thank you. Totoo, ang saya!”
Video from GMA News