
Ngayong Sabado (May 27) sa finale episode ng Full House Tonight!, tiyak na sasakit ang mga tiyan niyo kakatawa sapagka't bibisita ang award-winning actress and comedian na si Eugene Domingo.
Ano kaya ang gagawin ni Miss Eugene sa Full House Tonight!
"Papakita natin ang versatility ni Regine Velasquez as an actress at siyempre tuturuan ko siya ng tama," sagot niya.
May mensahe rin si Eugene para sa mga Kapuso, "Fact na fact na dapat manood kayo ng Full House Tonight! ngayong Sabado kasi magtutunggali kami ni Songbird. Tuturuan ko siyang umarte, 'di kasi marunong 'eh."
Panoorin ang interview niya below: