
Nagdiwang ng kaarawan ang Ex Battalion member na si Mark Maglasang o Bosx1ne nitong June 13, ilang araw matapos mag-premiere ang kanilang digital show na ExB Rules! sa GMA ONE Exclusives.
Kasabay ng patuloy na pagsikat ng Ex Battalion ang unti-unti nilang pagpapakita ng kanilang tunay na buhay sa likod ng camera na siyang mapapanood sa ExB Rules!
Katulad ng tubong Cebu na si Mark, “Kung sino man ang nakakapanood ng video na ito, proud ako na taga-Cebu ako,” saad niya.
Lingid sa kaalaman ng iba, ang Ex Battalion member na si Mark ay isa na ring proud dad na miss na miss ang kaniyang anak ngayong kaarawan niya. Aniya, “Nasa U.S., kapapanganak lang, nakakatuwa ‘eh. Gustong-gusto ko siyang yakapin, kaso nasa U.S. kasi ‘eh. Ang layo.”
Masaya raw si Mark na manang-mana sa kaniya ang kaniyang anak. “Natutuwa ako kasi nakikita ko ‘yung kamukha ko. Pogi ‘eh, may Boss 2 na.”
Ikinuwento rin sa unang episode ng ExB Rules! ni Mark ang mga pagbabago sa kaniyang buhay mula nang maging miyembro siya ng Ex Battalion. “Sobrang laki ng pinagbago. Dati naglalakad ako na parang feeling ko sikat ako, hindi naman pala. Tapos ngayon, kapag naglalakad ako, [may lumalapit] ‘Uy, idol pa-picture!’ o ‘Uy, si Mark ‘yun ‘di ba? Pa-picture naman.’
Panoorin ang kuwento ng buhay ng mga miyembro ng Ex Battalion sa ExB Rules!