
Mala-Diyosa ang ganda ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Flores de Mayo ng Sunday PinaSaya.
Hindi raw talaga sumasali si Yan-Yan sa mga parade pero ngayong taon ay excited siyang rumampa, “Gusto ko malaman ng ex-boyfriend ko kung gaano kalaki ang nawala sa kanya.”
Gandang-ganda si Kapuso star Lovely Abella sa Primetime Queen pero sa tingin niya ay hindi na babalikan si Yan-Yan ng ex niya.
“Kasi ‘yung ex mo na papakitaan mo ng ganda, maganda rin sa ’yo!” bulalas ni Lovely habang itinuturo ang ex ni Marian na naka-makeup at naka-gown.