What's on TV

WATCH: Fans ng 'D' Originals,' may dapat abangan ayon kay Katrina Halili

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 30, 2017 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Katrina, kailangan daw talagang mapanood ng viewers ang kanilang bikini scenes dahil talaga namang pinaghirapan nila ito. 

Patindi ng tindi ang mga eksena sa D' Originals kasama na dito ang sagutan sa pagitan nina Katrina Halili at Cannes Best Actress Jaclyn Jose.

 

Tuluyan na bang mahuhulog sa bitag ni Yvette si Sir Lando,? Abangan.. malapit na po 4:15pm, #DOrigsUnangHalik

A post shared by katrina_halili (@katrina_halili) on


Sa panayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Katrina na may nerbiyos siya sa tuwing bibitaw siya ng linya katapat si Jaclyn.

"...Kasi minsan may mga lines na parang hindi na kasali. Tapos dahil luminya siya [si Jaclyn Jose,] tapos parang minsan parang feeling ko kailangan ko sumagot [ng matindi rin.] Pero 'yung sagot syempre talagang ganun [medyo mapait 'yung salita,] kaya bigla akong namumutla," aniya.

Pero bukod sa mga mainit na palitan ng salita, isa rin daw sa dapat abangan ay ang bikini scene nilang girls sa show. Ayon kay Katrina, kailangan daw talagang mapanood ito ng viewers dahil talaga namang pinaghirapan nila ito. 

"Ang hirap mag-diet, eh. Mamatay na ako, eh," kuwento ni Katrina.

MORE ON 'D' ORIGINALS':

Archie Alemania, pinag-aagawan nina Kim Domingo at Meg Imperial sa 'D' Originals

WATCH: LJ Reyes, natutuwa sa feedback ng mga netizens sa 'D' Originals'

Mapanuksong Yvette