
Nostalgic at ang sarap balik-balikan ang mga iniwang alaala ng dekada nobenta.
Kaya naman maging ilang fashion at trends noong '90s, nagbabalik ngayong 2019.
Ayon kay fashion stylist Vhee Co, isa sa mga nagdamit kay Miss Universa Catriona Gray, ang '90s raw ay isang “anti-fashion” decade dahil rumerebelde ito sa mga usong fashion styles noong nakaraang dekada.
“Noong '90s nagkaroon ng total contrast kung ano 'yung uso in the past,” aniya.
“I think isa sa major reason kung bakit bumabalik sa uso ang '90s fashion ngayon is siguro dahil sa dala ng social media. Nakaka-relate sila and they relay the style to themselves.”
Ayon naman kay KC Pusing, isang fashion designer, ang mga ibang pieces na naging uso ng '90s tulad ng denim never goes out of style.
Paliwanag niya, “Ang denim kasi masasabi namin na versatile product 'yan e.”
“Kasi mapaglalaruan mo siya at pinagkaiba lang niya nag-i-improve 'yung mga cuts natin.”
With the help of our fashion experts, sumabak sa pagrampa si Love You Two actress Shaira Diaz suot-suot ang '90s style fashion.
Panoorin ang mga usong '90s fashion ngayon sa video na ito:
LOOK: Ways to cop the bucket hat trend
LOOK: Let these 5 stars teach you how to carry the low key utility fashion trend