
Kitang-kita sa YouLol kulitan session last week ng Bubble Gang cast ang labis na pagka-miss nila sa isa't-isa.
Napuno ng tawanan ang live chat ng mga Kababol, kung saan nagawa din nilang magbigay ng update sa kani-kanilang buhay habang nasa enhanced community quarantine.
Isa sa mga naging topic nila ang sexy TikTok videos ng GMA Artist center beauty na si Faye Lorenzo.
Ano ba ang reaksyon ni Faye sa mga netizen na nakapansin ng kanyang OOTD tuwing gumagawa siya ng dance covers?
Isa din sa pinag-uusapn ngayon online ang viral TikTok videos ng "Bad Boy ng Dance Floor" na si Mark Herras na humahataw sa kantang "Average Joe."
Sa katunayan last Saturday, May 2 ay nag-trend sa Twitter Philippines ang pangalan ng StarStruck Ultimate Male Survivor.
WATCH: Sino ang the best 'Bubble Gang' duo?
Kim Domingo, nag-react sa IG post ni Faye Lorenzo na may bagong "pantasya" na sa 'Bubble Gang'