What's Hot

WATCH: Felipe Gozon on Mel Tiangco: "Ang kanyang integridad is unquestionable"

By Bea Rodriguez
Published February 2, 2018 6:00 PM PHT
Updated February 2, 2018 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay rin ng mensahe si Mel Tiangco sa ginawang contract renewal niya kamakailan. Alamin kung ano ito. 

Dalawampu’t isang taon nang nananatiling Kapuso ang isa sa mga premyadong news anchor sa bansa, si 24 Oras anchor at Magpakailanman host Mel Tiangco.

Kung ano daw ang kanyang saya noong una siyang pumasok sa GMA, nananatili ang kanyang kaligayahan matapos ang mahigit dalawang dekada sa Kapuso network.

“Napakabuti sa akin ng mga namumuno sa GMA at lahat ng aking mga colleagues dito [at] mga kasamahan,” saad niya sa report ng Balitanghali.

Muling pumirma ng exclusive contract ang veteran newscaster na dinaluhan nina GMA Chairman and CEO, Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., Executive Vice President and CFO Felipe Yalong at Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores.

Ayon kay Mr. Gozon, “Ang kanyang integridad is unquestionable. At hindi lamang iyon, ang puso ni Mel na makatulong doon sa mga nangangailangan ay makikita sa kanyang involvement sa Kapuso Foundation ng GMA.”

Masaya naman si Mr. Duavit sa contract renewal, “We are extremely proud. Nasisiyahan tayo na si Mel ay patuloy na [nanatiling] Kapuso. She continues to represent what we represent and hope to continue represent. Patuloy siyang tumitindig bilang ehemplo.”

Nagpasalamat si Tita Mel sa televiewers na nanonood, nagtitiwala at nagmamahal sa Kapuso network. Patuloy pa rin natin siyang abangan gabi-gabi ng 6:30 p.m. sa 24 Oras at tuwing Sabado ng 8:05 p.m. sa Magpakailanman.