Nakikiisa ang all-male vocal group na Supremos sa Encantadiks na nagluluksa sa pagkamatay ni Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) sa Encantadia noong nakaraang linggo.
IN PHOTOS: Ang mga alaala ni Amihan na hindi malilimutan sa 'Encantadia'
Sa pamamagitan ng pagkanta ng isa sa Encantadia official soundtracks na Ang Awit Ni Lira, ipinaabot ng Filipino singers na sina Fin, Dann, Mark at MJ ang kanilang pakikiramay sa pagkawala ng reyna ng Lireo.
Playlist: Mikee Quintos – Ang Awit Ni Lira (from 'Encantadia')
Panoorin ang kanilang song cover na ibinahagi pa mismo ni Kylie.
"Avisala eshma, Supremos! Avisala eshma sa inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagmamahal kay Hara Amihan! Hasne Ivo Live," pahayag ng Encantadia star.
MORE ON ENCANTADIA:
WATCH: Ang bagong anyo ni Sang'gre Amihan sa 'Encantadia'
Encantadia: Ang pagbabalik ni Amihan | Episode 142
Kylie Padilla after Sang'gre Amihan's death: "But wait, there's more"