
Buo at libreng mapapanood online ang unang episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.
Napakaganda ng kasal nina Mario (Alfred Vargas) at Laura (Sunshine Dizon), kahit pa nakakapagtaka na walang kamag-anak o kaibigan na inimbita dito ang lalaki.
Babalik naman si Veron (Sheryl Cruz) sa Pilipinas matapos ang isang taong pamamalagi sa Amerika.
Magpapakilala naman si Veron bilang tunay na asawa ni Mario.
Panoorin ang buong pilot episode ng Magkaagaw.
Huwag palampasin ang susunod ng episodes ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.