What's on TV

WATCH: First-time dad Mike Tan finds father role easier to portray now

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 5, 2019 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basilan, malaki na ang pinagbago pagdating sa turismo matapos ang kaguluhan noon
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News



Mike Tan on doing father roles, "Mas nakaka-relate na ako kasi tatay na rin ako."

Dahil isa na rin siyang ama, aminado si Mike Tan na mas nadadalian na siyang gampanan ang mga karakter na may anak na.

Mike Tan
Mike Tan


Ayon kay Mike, nakaka-relate na siya sa kanyang karakter sa Wagas: Throwback Pag-ibig, kung saan may anak sila ng karakter ni Sunshine Dizon na si July.

Mike Tan, nakaka-relate sa kanyang karakter sa 'Wagas'

"Para sa akin, so far, ito 'yung mas nakaka-relate na ako kasi tatay na rin ako," saad ni Mike nang mag-guest sila sa programang Unang Hirit.

"Actually, 'yun yung adjustment, paano ako aarte na parang tatay na talaga, sobrang mas madali na siya [kaysa] before."

Naglaro din sina Sunshine at Mike ng 'Throw back' game, kung saan ibabato ni Sunshine ang mga bola patalikod at kailangan saluhin ni Mike.

Panoorin ang kanilang nakakatawang 'Throw Back' game:


Panoorin ang unang istorya ng Wagas na pinamagatang "Throwback Pag-ibig," Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga.