
Ang nasabing katutubo ay nagngangalang Arjohn Gilbert. Siya ang batang Aeta na sumikat noong 2011 matapos mag-viral ang kanyang video kung saan umaawit siya ng kanta ni Justin Bieber.
Nagme-merienda sa isang fishball stand ang Wowowin host na si Willie Revillame nang lapitan siya ng isang lalaking katutubo mula sa Pampanga para handugan ng kanta.
Nagpakilala ang binata na si AJ, at umawit ng mga hit songs ni Justin Bieber kabilang na ang "Eenie, Meenie," "Love Yourself" at "Sorry," at pati na rin ang kantang "Dessert."
"Kuya Wil, sana po bigyan niyo po ako ng pagkakataon na bumawi na kumanta po sa TV," hiling ni AJ dahil sa kanyang pagpiyok sa isang kanta.
Mini concert sa Fishbolan!!! Kuya Wil!Kuya Wil....... cute mo!!! hahahaha. Instant mini concert sa fishbolan. haha
Posted by Adrian Gret on Thursday, March 31, 2016
Sa ulat ng 24 Oras, binigyang-linaw na si AJ pala si Arjohn Gilbert, ang batang Aeta na sumikat noon pang 2011 dahil naging viral ang kanyang video kung saan umaawit din siya ng kanta ni Justin Bieber. Aniya, nakikipagsapalaran siya sa Maynila para sa kanyang ina na may cancer.
"Eh gusto daw niyang mag-guest sa show. Syempre i-ge-guest ko 'yan. The show Wowowin is a show ng mga taong nangangarap," pahayag ni Willie.
Binigyang-diin din Willie, "Basurero ka, mangingisda ka, magsasaka ka, OFW ka. Walang pinipili. Dito sabi ko sa show ng Wowowin, 'yung mga hindi napapansin 'yun ang pinapansin namin."
Kilalanin ang binatilyong nag-mini concert sa fishball break ni Willie Revillame