Celebrity Life

WATCH: Fit mommy Teresa Loyzaga, ibinahagi ang kanyang 'no gym' work out

By Marah Ruiz
Published May 15, 2018 3:16 PM PHT
Updated May 15, 2018 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ni Teresa Loyzaga ang isang simpleng workout kung saan 'di na kinakailangang magpunta sa gym. 

Isa sa mga kilalang fit showbiz mommies ang aktres na si Teresa Loyzaga.

Pero aminado ang 52-year-old actress na nagkaroon din siya noon ng pagkukulang sa pag-aalaga sa kanyang sarili. 

"Marami akong naging struggles on actually looking after myself. Yet, hinahapan ko ng paraan na kahit nasa trabaho ako, hindi ko nire-restrict 'yung being able to look after myself," kuwento niya.

Ginawa raw niyang priority ang kanyang health and fitness. 

"Kahit konti-konti nasisingit ko ang working out. Ginawa kong priority to look after myself kasi kailangan kong maging malakas eh," dagdag ni Teresa. 

Bilang isang single mother, naging inspirasyon daw niya ang kanyang mga anak sa pag-aalaga sa kanyang sarili. 

"Kailangan kong alagaan ang mga anak ko. Kailangan huwag akong maging weak," paliwanag niya. 

Kasama ang ilang mommies mula sa Quezon City, ibinahagi ni Teresa ang isang simpleng workout kung saan 'di na kinakailangang magpunta sa gym. 

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Pinoy MD: