
Paano ba ma-achieve ang “Baste look?”
Hindi maitatangging labis ang interes ng publiko at marami ang nabibighani kay presidential son Sebastian “Baste” Duterte. Kaya naman, hindi na rin nakapagtataka na marami ang nais magaya ang itsura niya.
Sa limang madaling paraan ay maaari nang ma-achieve ang kaguwapuhan, kakisigan at kaastigan ni Baste. ‘Yan ang turo ng isang blogger na may pangalang Team Dodong and Inday.
Ipinakita sa video tutorial ng naturang blogger kung paano makamit ang matipunong katawan ni Baste, ang kanyang malagong buhok, kanyang bigote, mga tattoo at piercing sa labi.
Pahabol din na tip ng blogger, “Ito ang pinaka-breezy sa lahat. 'Pag nag-smile kayo, dapat hindi kita ‘yung ngipin.”
Video courtesy by Team Dodong and Inday
Sinubukan n'yo rin ba at na-achieve ang “Baste look,” mga Kapuso?
MORE ON BASTE DUTERTE:
WATCH: Baste Duterte sings ‘Before I Let You Go’
MUST-SEE: Ano ang tipo na babae ni Baste Duterte?