
Welcome, Kapuso Matt Evans! Sasabak na sa kanyang unang primetime series ang bagong Kapuso actor kasama ang GabRu love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.
Nakapag-guest na rin sa iba’t ibang Kapuso shows ang aktor tulad ng Pepito Manaloto, Tadhana, Celebrity Bluff, Sunday PinaSaya at Unang Hirit.
Maituturing versatile actor si Matt na siyang nagsimula sa isang reality show noong 2006 at nag-transform bilang komedyante, kontrabida at dramatic actor.
Ipapakita naman niya sa GMA viewers ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang kauna-unahang proyekto sa Kapuso network.
“Sobrang excited na po talaga roon sa role na ibinigay po nila ngayon kasi challenging po talaga at saka marami pong ikot na mangyayari roon sa story na nakadikit po sa character ko na kontrabida po,” kuwento ni Matt sa report ng Unang Hirit.