
Blooming hindi lamang ang career kundi ang love life ng former Mulawin star na si Angel Locsin, matapos kumpirmahin ng magandang dalaga na boyfriend na niya ang film producer na si Neil Arce.
READ: Former 'Majika' star Angel Locsin confirms falling in love with a film producer
Ayon sa video na kuha ni @Natspeaking sa Twitter, diretsahang sinabi ni Angel na kakasagot lang niya kay Neil nito lamang buwan na ito.
Ani Angel, “Bago pa lang talaga as in bago pa lang. Itong month na ‘to.”
Nagbahagi rin siya na magiging simple lamang ang Valentine’s Day celebration nilang dalawa sa darating na Miyerkules.
“Hindi kasi ako tipo na nagse-celebrate talaga ng Valetine’s, mas siya. Mas siya ‘yung nagse-celebrate, so mayroon daw siya hinandang parang siguro dinner lang, ganun lang.”
WATCH: Angel Locsin confirms new relationship with businessman/film producer Neil Arce just in time for Valentine's. | via @Natspeaking pic.twitter.com/FDdzCCKeFt
— The Philippine Star (@PhilippineStar) February 11, 2018
Dating dinidate ni Neil ang former Kapuso actress na si Bela Padilla. Umabot ng apat na taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong 2017.
Naging boyfriend naman ni Angel ang TV host na si Luis Manzano, ngunit natapos din ang kanilang relasyon dalawang taon na ang nakararaan.