
Hindi pinalampas ni Former PBA player Samboy “the Skywalker” Lim ang pagdalo sa graduation ng kaniyang anak na si Jamie Christine Berberabe Lim sa University of the Philippines Diliman noong Sabado, June 29.
Nagtapos si Jamie bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics at nag-deliver pa ng valedictory speech kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang mga magulang.
Maaalalang na-comatose si Samboy Lim nang mag-collapse ito sa isang exhibition game noong November 28, 2014.
Nakarekober man, nananatiling bed-ridden at naka-wheelchair ang dating PBA star.
Sa interview ni 24 Oras reporter Mav Gonzales, malaki ang pasasalamat ni Jamie sa kaniyang ama na nakarating ito sa kabila ng kaniyang kondisyon.
Aniya, “I'm just very grateful na he's gonna be here.
“I'm sure if he could tell me, I'm sure he'll say he's proud po because he always has been.”
Ngayong tapos na si Jamie sa kolehiyo, balik sports na siya ulit kung saan isa siyang black belter sa larangan ng karate.
Panoorin ang buong ulat ni Mav Gonzales sa 24 Oras: