What's Hot

WATCH: Former Sexbomb dancer Sugar Mercado's emotional plea for help

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 6:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News



Isang madamdaming video ang naka-post sa Facebook account ni Sugar tungkol sa kinakaharap na kasong child abuse. 


Ikinagulat ng mga netizens ang video na inupload ng former SexBomb member na si Sugar Mercado sa Facebook nitong Huwebes ng umaga, July 7.

Mapapanood ang isang humahagulgol na Sugar sa mahigit na dalawang minuto video, kung saan naglabas ito ng sama ng loob tungkol sa kasong child abuse na isinampa laban sa kanila ng kaniyang ina.

May mahigit sa 20,000 views na ang video na ito ni Sugar.

 

Kahapon nag-post si Sugar patungkol sa kaso na isinampa niya sa dating asawa na si Kristofer Jay Go. Dito idinitalye ni Sugar na dinismiss ng isang Fiscal Lagasca ang kaso na violation sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act laban sa kanila.

Pero nabaligtad daw ang lahat ng rekomendasyon na ito ni Fiscal Lagasca at ngayon siya at kaniyang ina ang may kaso na hinaharap.

Ayon sa post ni Sugar, “Malinaw sa original resolution ni Fiscal Lagasca, dismissed ang kaso ng child abuse laban sa amin. Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa. Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca. Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse. At sa gitna ng matibay na mga ebidensya, dinismiss ang kaso namin para sa VAWC.”

Hindi nawawalan ng loob si Sugar at matapang daw niyang haharapin ang pagsubok na ito.  Dagdag pa nito na naniniwala siya na sa huli papanig sa kanila ang korte.

“Hindi ako natatakot. Haharapin ko lahat ng mga kasong isasampa nila laban sa akin. Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa mga anak ko. Ipaglalaban ko ang hustisya na nararapat para sa akin bilang biktima ng pang-aabuso. Baliktarin man nila ang mga pangyayari, gamitin man nila lahat ng kanilang pera, lalaban kami ng aking buong pamilya. Hindi pa tapos ang aming laban. Umaasa kami na papanig sa katotohanan at papanig sa karapatan ng kababaihan ang korte at ang piskalya. Ang laban ko ay laban ng lahat ng mga babaeng tinatakot, sinasaktan, inaabuso at ninanakawan ng dignidad at ng karapatang mabuhay ng marangal.? #‎LabanAngAbuso. ?#‎plsprayformyfamily ?#‎GODisgood ?#‎plsshare ?#‎share #share ?#‎akoangbiktima ?#‎hustisya ?#‎dinyomakukuhaanakko” 

Bago mag-post ng kaniyang Facebook Live video ngayong araw ang former Eat Bulaga star, nauna niyang ibinahagi sa isang niyang post sa social media site na kinakailangan nila ng P160,000 para makapag-piyansa sila ng kaniyang nanay.  

Saad ni Sugar, “So masaya na kayo? Im sure nag paparty kayo na yung nanay at lola makukulong!Galing ng papaikot nyo???????????? 160k para makalabas kami ng kulungan ng nanay ko!!! Child abuse ikinaso nyo samin!!!! Masahol pa kayo sa hayop !!!! Pati buhay ko kaya kong ibigay sa mga anak ko lahat kaya kong gawin para sa mga anak ko!!! Childabuse ang linaw linaw na fi totoo !!!! Sa lahat makukulong ako at lola ng anak ko ng wala kaming kasalanan!!!! DYOS ko kayo na lang makakatulong samin ng mga anak at pamilya ko alam ko kaya nyo lahat panginoon tulungan nyo po kami???????????????? di man lang maisip mga anak ko!!!!!! Dyos ko!!!!!!” 

Nag-sampa ng kaso si Sugar noong November 2015 sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa asawa niya na si Kristofer Jay Go para sa paglabag sa R.A. 9262 matapos diumano makaranas nang pisikal at emosyonal na pang-aabuso mula sa kaniyang mister.

READ: Dating 'Eat Bulaga' host at SexBomb Girl na si Sugar, humingi proteksyon sa korte