Celebrity Life

WATCH: Former sexy star Myra Manibog, umaming nalulong sa droga

By Marah Ruiz
Published January 31, 2018 4:19 PM PHT
Updated January 31, 2018 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Nakabangon na ang dating bold star na si Myra Manibog matapos siyang mawala sa showbiz at malulong sa droga noon. Alamin ang kuwento ng kanyang buhay.

Thirteen years old pa lang si Myra Manibog o Geraldine Zervoulakos sa tunay na buhay, nang ma-discover siya ng talent manager na si Rey dela Cruz. 

Agad siyang nakakuha ng role sa una niyang pelikula na Snake Sisters kasama ang iba pang soft drink beauties na sina Sarsi Emmanuelle, Pepsi Paloma and Coca Nicolas. 

"Ang [nasa] isip ko lang trabaho 'to eh. Ganoon lang kasi ano ba ang nasa isip ng thirteen years old 'di ba? Wala akong malisya. Basta ang alam ko lang, I'm working. So 'pag sinabi ng direktor sa akin 'hubad,' [maghu-]hubad [ako] kasi trabaho 'yun eh. I have to do my job," pag-alala niya sa dating trabaho. 

Dahil sa pagtatrabaho noong 80s bilang isang 'bold star,' nakapagpundar siya ng bahay at negosyo. Natigil lang siya sa pag-aartista matapos mag-asawa at magka-anak. 

"Nagkaanak ako doon sa first [husband] ko. Tumaba ako. Noong tumaba ako, hindi na ako makapag-artista kasi siyempre mataba na 'ko. I had to quit show business," paliwanag niya.

Matapos nito, nagpunta naman si Myra at ang kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Dito siya nagsimulang malulong sa droga. 

"Na-insecure na ko dahil ang taba ko na nga. Inisip ko kaya nambababae 'yung asawa ko kasi pangit na ako. Siyempre hindi na ako kasing lakas kumita noong araw. And then sabi noong mga friends ko doon sa Japan when you use this drug, 'yung shabu, papayat ka," aniya. 

Dahil sa bisyo, naubos ang mga dating kinita ni Myra. Buti na lang, nakuha niyang magbalik sa Diyos at dito kumuha ng inspirasyon para muling magsimula.

Ngayon, may production company na siya at mina-manage ang Skip Reality, banda ng kanyang mga anak.

Aminado naman ni Myra na may pagsisisi siya sa kanyang dating karera. 

"I regret what I did, not for myself but for my kids. Siguro, if I made better choices I could have given them more. Siguro, I could have given them better opportunities, instead of them being know as the children of a bold star," sambit niya.

Panoorin ang feature ng programang iJuander kay Myra.