What's Hot

WATCH: Former sexy star Sabrina M, nakunang gumagamit ng iligal na droga

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 8:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapanood sa isang surveillance video ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang tagpo kung saan nakunang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dating sexy actress na si Sabrina M.


Mapapanood sa isang surveillance video ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang tagpo kung saan nakunang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dating sexy actress na si Sabrina M.

Ang video kung saan mapapanood si Sabrina M, may tunay na pangalan na Karen Pallasigue, na humihithit ng iligal na droga ay ibinahagi ni Allan Gatus, radio correspondent mula DZBB, sa kanyang Twitter account.

 

 

Inanunsyo rin sa official Twitter page ng DZBB ang pagkakadakip ng dating sexy star.

 

       

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ang pag-aresto raw kay Sabrina M ay kasunod ng pag-anunsyo ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President at incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño na hindi bababa sa 50 celebrities ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Tumanggi man si Diño na pangalanan kung sino-sino ang kasama sa kanilang listahan, karamihan daw dito ay gumagamit ng party drugs o ecstasy, habang may sampu raw na itinuturing na tulak ng iligal na droga.

Aniya sa hiwalay na ulat ng 24 Oras, “’Yung iba nakikita na natin, tapos merong mga bago lalong lalo na mga bata.”

“Ang ganda-ganda ng buhay mo… tapos sisirain ka lang ng droga,” patuloy ni VACC President Diño.         

Video from GMA News