
Bumida sina Kapuso stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa GMA ArtisTakeover bilang mga chosen artists of the month ngayong Pebrero.
Iba't ibang exclusive features ang ibinahagi nilang dalawa sa Instagram Story. Kabilang na dito ang pagsabak nila sa patok na Fortnite Dance Challenge, pagbabagi nila ng kanilang personal playlists at pati na ang pagbabasa nila ng mga mensahe mula sa kanilang fans.
Panoorin ang ilang snippets ng GMA ArtisTakeover nina Bianca at Miguel dito.