
Muling nagpakitang gilas sa talento ang All-Out Sundays Four the Win ladies na sina Julie Anne San Jose, Golden Canedo, Thea Astley, at Jessica Villarubin sa pag kanta.
Kaniya-kaniyang rendition ang Kapuso ladies ng ilang hits ng pop diva na si Rihanna tulad ng "Stay," "Take a Bow," "Diamonds," at "Unfaithful."
Bukod sa kantahan, isang mainit na tapatan ang naganap sa pagitan ng Team JongGaJe nina Jong Madaliday, Garrett Bolden at Jeremiah Tiangco kontra sa Team Dynamic Divas na binubuo naman nina Jennie Gabriel, Jessica Villarubin at Fritzie Magpoc! Sino kaya sa pagitan ng dalawang koponan ang magwawagi sa 'Ano Raw?!'
Ipinagdiwang din nitong nakaraang Linggo ng All-Out Sundays host na si Ken Chan ang kaniyang kaarawan. Ang birthday wish ni Ken? "Saktong sakto Viva Pit Senyor, ito na kahilingan ng lahat, na kahilingan ko rin, tayong lahat na sana mawala na ang pandemya, yun lang naman talaga. Maraming salamats a All-Out Sundays family at sa lahat ng mga nanonood." saad ni Ken.
Nagpakitang gilas din sa sayawan sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Mark Herras, Rochelle Panganiban, Mannex Manhattan, at DJ Loonyo.
Panoorin: