
Pasamantalang pinalaya si Frank Magalano, anak nina Pia Magalona at ng late rapper na si Francis Magalona, pagkatapos itong makasuhan ng unjust vexation o pambabastos.
Kuwento ni P/C SUPT. Tomas Apolonario, isang VIP host sa Bonifacio Global City daw ang naghain ng reklamo pagkatapos diumano'y hipuan ito ni Frank Magalona. Aniya, "'Yung isang VIP host, who was about to serve liquor, suddenly naramdaman niya na may parang tumapik sa kanyang behind. So, syempre, she felt abused. Nakita niya 'yun nga 'yung suspect, a certain Frank Magalona.
Sa ngayon sa pansamantalang nakalaya si Frank pagkatapos ibaba ng fiscal ang reklamong pambabastos.
Mas magiging mas istrikto naman ang security sa BGC pagkatapos ng incident na ito. Ayon kay Apolonario, "Alam mo naman kapag nalalasing na 'yung mga 'yan, minsan hindi mo na ma-control. Pero maganda 'yung ganito kapag may nangyayaring ganyan, maganda nakakasuhan, para it will be a lesson to others na magtino sila."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: